COTABATO CITY (September 21, 2026) — Tumanggap ng award, kaugnay ng kanyang aktibong paglahok sa mga women’s welfare and rights protection activities, ang chancellor ng Mindanao State University-Maguindanao sa isang summit na ginanap nitong September 16-17 sa Bangkok, Thailand.
Sa ulat nitong Lunes, September 21, ng mga officials ng education ministry ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at ng mga administrators ng mga government at private elementary, secondary at tertiary schools sa BARMM, iginawad kay Chancelor Dr. Bai Hejira Nefertiti M. Limbona ng MSU-Maguindanao ang naturang award bilang bahagi ng Asia Women Leaders Award 2026 sa isinagawang Asia Women Leaders International Summit sa Bangkok.
Para sa mga regional education officials sa BARMM, malaking karangalan para sa education and women’s sector sa autonomous region ang pagkakatanggap ni Chancellor Limbona ng naturang international award.
Tinalakay ng mga lumahok sa naturang international women’s summit sa Bangkok ang vital issues kaugnay ng pagsusulong ng women’s welfare, public policy, education, economy, environment, wellbeing, promotion ng dialogues at cross-sector cooperation at sustainable peace.
Sa pahayag ng mga education officials sa BARMM at Region 12, ang partisipasyon ni Chancellor Limbona sa Asia Women Leaders International Summit 2026 sa Bangkok, national capital ng Thailand, ay nagdala sa transnational arena ng kaalaman kung ano ang mga inisyatibo ng MSU-Maguindanao sa pagpapabuti ng women sector sa autonomous region. []
