Mayor ng DBS kasapi na ng aviation police unit advisory group

COTABATO CITY (October 16, 2026) —Mas pinalawig pa ang membership ng regional advisory group ng Aviation Security Unit-Bangsamoro Autonomous Region at ang isa sa bagong nahirang na miyembro nito ay Si Mayor Raida Tomawis-Sinsuat ng Datu Blah Sinsuat, o DBS, na tinaguriang most peaceful town sa Maguindanao del Norte.

Ang Maguindanao del Norte, may 12 na mga bayan, ay isa sa limang mga probinsya sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na sakop ding ang mga lungsod ng Lamitan, Marawi at Cotabato, ang kinaroroonan ng BARMM capitol.

Si Mayor Tomawis-Sinsuat at ang mga bagong hirang na advisory group members ng Aviation Security Unit-BAR ay nangako na tutulong sa pagpapalaganap ng mas masigasig na pagseserbisyo-publiko ng mga tauhan nito nakabase sa mga airports sa BARMM.

Ang Aviation Security Unit ng Philippine National Police ang siyang nagbibigay ng protection at nangangalaga ng peace and security sa mga airports sa bansa. Ang Advisory Group for Police Transformation and Development, o AGPTD, ng Aviation Security Unit-BAR ay isang multi-sector group na sumusuporta sa mga peace and community-relations activities nito.

Ginanap nito lang Huwebes, October 15, ang meeting ng mga bagong advisory group members at mga officials ng Aviation Security Unit-BAR sa station office nila sa Cotabato Airport sa Barangay Awang sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte, na halos 10 kilometro lang ang layo sa Cotabato City.

Ang bayan na sakop ni Mayor Tomawis-Sinsuat, ang DBS, ay nasa west coast ng Maguindanao del Norte.

Ang DBS, may 13 na mga barangays, ay may halos zero crime record nitong nakalipas na walong taon kaya ito ay kilala na rin bilang bagong “investment destination” sa probinsya.

Ang DBS ay kilala din bilang “fishing capital” ng Maguindanao del Norte dahil isa ang deep-sea fishing sa pinagkikitaan ng mga residente nito at ang kanilang mga huling isda ay binibili ng mga negosyante sa magtabing bayan ng Datu Odin Sinsuat at Cotabato City.

Makikita sa gitna ng larawan si Mayor Tomawis-Sinsuat sa kanilang panunumpa nitong Huwebes bilang members ng multi-sector advisory group ng regional advisory group ng Aviation Security Unit-BAR. [[[]]]