BARMM gov’t naghahanda na para sa Islamic Umrah event

COTABATO CITY (October 8, 2026) — Bumuo ng isang kasunduan nitong Martes, October 6, ang walong mga parliament members at ang Bangsamoro Pilgrimage Authority, o BPA, na nagsasaad ng kani-kanilang pag-allocate ng pondo mula sa kani-kanilang mga tanggapan na ilalaan para sa mga pangangailangan sa mga aktibidad ng ahensya kaugnay ng Umrah pilgrimage sa Saudi Arabia ngayong Nobyembre ng mga residente ng autonomous region.

Ang transnational Umrah activity ay ang taunang paglalakbay, o pagdalaw, ng mga Muslims patungong Mecca sa Saudi Arabia bilang isang religious obligation.

Ang mga tanggapan ng mga miyembro ng Bangsamoro parliament na sina Kadil Sinolinding Jr., Hatimil Hassan, Randolph Parcasio, Suaib Oranon, Said Salendab, Abdulbasit Benito, Uttoh Salem Cutan, at Sha Elijah Dumama-Alba ay tutulong sa pagpopondo sa mga aktibidad ng BPA para sa Umrah event ngayong Nobyembre.

Lumagda nitong nitong Martes, kaugnay ng kanilang pag-pondo sa Umrah-related activities ng BPA, sina Sinolinding at ang pito niyang kapwa parliament members sa isang Memorandum of Agreement, kasama ng BPA, na nasa pamamahala ng executive director nitong si Ebrahim Ali.

Nangako silang walong mga parliament members ng fund support para sa BPA Umrah-related activities mula sa kani-kanilang 2026 Transitional Development Impact Fund (TDIF). Lalahok ang maraming residente ng BARMM sa nakatakdang Umrah event sa bansang Saudi Arabia.

Si Sinolinding ay nagsisilbi rin bilang kalihim ng Ministry of Health-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sinabi ni Ali at ng mga officials ng BPA sa mga reporters nitong Miyerkules na nagpapasalamat sila sa walong miyembro ng BARMM parliament na maglalaan ng pondo mula sa kani-kanilang TDIF para sa Umrah activities ng ahensya ngayong taon na lalahukan ng mga residente ng autonomous region.

Ang pilgrimage patungong Mecca sa Saudi Arabia ay isa sa limang fundamentals ng Islamic faith. Kabilang dito ang ganap na paniniwala kay Allah, limang beses na pagdarasal bawat araw habang nakaharap sa kanluran, pagbibigay ng sadakah, o ayuda sa mga mahihirap, at pag-aayuno mula madaling-araw hanggang takipsilim sa loob ng isang lunar cycle, o 28 hanggang 30 na mga araw, tuwing Ramadhan, isang banal na buwan sa Islam, bilang religious obligation.

Sinabi ni Sinolinding na may preparasyon din ang BARMM health ministry para sa mga serbisyong medikal at emergency support sa mga magsasagawa ng Umrah mula sa autonomous region kung kakailanganin.

Makikita sa larawan ang regional capitol ng BARMM government sa uptown area ng Cotabato City. []