Mga taga Tampakan at SMI may matibay na ugnayan para sa kaunlaran

KORONADAL CITY (October 10, 2026) — Sa bawat araw ng kanilang pagpasok sa mga paaralan sa bayan ng Tampakan, may mga pangangailangan ang mga mag-aaral na magkatuwang na tinutugunan ng mga community leaders at ng isang kilalang mapag-kawanggawa na pribadong kumpanya, ayon sa mga ulat nitong Sabado ng mga radio stations sa Central Mindanao.

Kabilang sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa Tampakan ang mga school supplies, mga tsinelas at maraming iba pa.

Bilang bahagi ng patuloy na suporta nito sa edukasyon, namigay ang Sagittarius Mines Incorporated, mas kilala bilang SMI, ng school supplies at mga tsinelas sa mga mag-aaral ng Escobillo Elementary School sa Barangay Pulabato sa Tampakan nito lang nakalipas na linggo, ayon mismo sa ulat nitong Sabado, October 10, ng mga community leaders at local executives sa naturang lugar.

Ang Tampakan ay isa sa mga bayan sa South Cotabato, hindi kalayuan sa kabisera nitong Koronadal City.

Layunin ng naturang pag-ayuda ng SMI sa mga mag-aaral sa Escobillo Elementary School ang makatugon sa ilan sa kanilang mga pangunahing pangangailangan upang sila ay mas makapag-focus sa kanilang pag-aaral. Bahagi ang naturang SMI public service engagement ng Social Development and Management Program, o SDMP ng kumpanya. Ang SMI, sa pamamagitan ng SDMP nito, ay may mga programang pang edukasyon, pang kalusugan at kabuhayan, o livelihood intervention initiatives.

Para kay Sheila Mae Ordona, Head Teacher III ng Escobillo Elementary School, malaking tulong ang suporta ng SMI sa mga mag-aaral na sakop nila.

Sa mga ulat nitong Sabado ng mga himpilan ng mga radyo sa mga lungsod at mga bayan sa Region 12, malugod na nagpasalamat sa SMI sina Ordona at kanyang mga kasamang guro at ang mga magulang ng mga enrolled learners sa kanilang paaralan sa ginawang pag-ayuda nito sa kanila.

Ayon kay Ordona, nakakatulong ang ganitong suporta upang mabawasan ang mga gastusin ng mga magulang at matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga bata sa kanilang pag-aaral.

Para sa SMI, bahagi ng responsible mining ang community activities na makakatulong sa pagsulong ng sustainable development ng mga malalayong lugar. Sa pamamagitan ng suporta sa edukasyon, hangad ng SMI na makatulong sa pagbibigay ng mas maayos na learning opportunities para sa mga kabataan na makakabuti sa kanila.

Dalawang provincial officials, sina South Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza, na siyang kasalukuyang chairperson ng multi-sector Regional Development Council 12, at kanyang counterpart sa South Cotabato, si Gov. Reynaldo Tamayo, Jr., ay hiwalay na nagpahayag nitong Sabado ng kagalakan at pasasalamat sa walang humpay na kooperasyon sa mga humanitarian at mga community empowerment projects ng SMI, ng mga local executives at mga leaders ng mga indigenous communities sa maraming mga bayan sa Central Mindanao.

Ayon kay Tamayo, presiding chairperson ng multi-sector Regional Peace and Order Council 12, malaking bagay para sa kanilang peacebuilding activities ang mga joint public service projects ng SMI at mga local executives at ng mga sectoral leaders sa mga bayang sakop ng kanyang administrasyon.

Makikita sa larawan ang isang school staff na sinusukatan ng tsinelas ang isang bata na kabilang sa maraming mga mag-aaral sa Escobillo Elementary School sa Barangay Pulabato na naka-benepisyo sa outreach activity ng SMI nito lang nakalipas na linggo.