46 BARMM lawmakers may `coalition bloc’ na, ayon sa mga parliament members

COTABATO CITY (October 3, 2026) — Iniulat nitong Biyernes ng mga bagong halal na miyembro ng 80-seat Bangsamoro parliament at ng mga officials ng Bangsamoro Federalist Party (BFP) na 46 na sa kanila ang magka-grupo na sa regional law-making body ng autonomous region.

Sa 80-member parliament ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, 41 na mga lawmakers lang ang kailangang magbuklod at bumoto ng kanilang gustong maging chief minister ng rehiyon na siyang mamumuno sa kanila, bilang figurehead.

Tutulong din ang duly-nominated chief minister sa kanyang mga subordinate-officials sa pamamalakad ng kani-kanilang ministries at support agencies na sakop ng BARMM government.

Sa isang official statement ng BFP, natanggap nitong Biyernes, October 2, ng media outfits sa BARMM, sa Regions 9 at 12 at sa Metro Manila, may kasunduan na ang 46 sa 80 na mga newly-elected parliament members na na-elect noong September 14 elections sa BARMM na magkaisa sa isang coalition para sa ikakabuti ng peace and sustainable development efforts ng Bangsamoro government.

Sakop ng Bangsamoro government ang mga probinsya ng Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, Lanao del Sur, Basilan at Tawi-Tawi at ang mga lungsod ng Lamitan, Marawi at Cotabato City na siyang regional capitol ng autonomous region.

Ayon sa BFP, na ang presidente ay ang kasalukuyang BARMM chief minister na si Abdulraof Macacua, nagka-pirmahan na ng isang solidarity compact, ang Coalition Government Document, ang 46 na bagong elect na parliament members bilang commitment na magtutulungan para sa ikakabuti ng rehiyon.

Si Macacua, nagsilbi bilang member ng parliament at chief minister mula 2025 batay sa appointment ni President Ferdinand Marcos, Jr., ay na-elect nitong September 14 bilang representative ng isang parliamentary seat na sakop ang ilang mga magkakalapit na mga barangay sa Cotabato City at sa Maguindanao del Norte province.

Ayon sa BFP, ang coalition ng 46 duly-elected members ng regional parliament ay nakatutok na sa paghahanda para sa inaugural session ng duly-mandated na mga miyembro ng 80-seat BARMM law-making body ngayon October 30.

Makikita sa larawan ang regional government center ng BARMM sa 32-hecrate Bangsamoro capitol sa isang uptown area sa Cotabato City. []