COTABATO CITY (October 6, 2026) —Nagkasundo nitong Lunes, October 5, ang administration ng Mindanao State University-Maguindanao at ang Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines na magtulungan sa pagsusulong ng quality education upang mas mapalawig pa ang peace and sustainable development sa mga bayan at mga lungsod sa Central Mindanao.
Ang campus ng MSU-Maguindanao ay nasa sentro ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte, mga 40 kilometro lang ang layo mula sa Cotabato City, ang regional capital ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Lumagda nitong lunes sa isang Memorandum of Understanding, o MOU, si MSU-Maguindanao Chancellor Bai Hejira Nefertiti Limbona at si Al-Amanah Bank Chairperson and Chief Executive Officer Amenah Pangandaman, dating secretary ng Department of Budget and Management, para sa mas matibay, mas extensive na ugnayan ng kanilang mga institusyong pinamumunuan sa mga programang pagsusulong ng academic development, research, capacity-building, service empowerment, financial inclusion at Islamic finance.
Lumagda din sa naturang MOU sina Marissa Parcon na siyang MSU-Maguindanao vice chancellor for academic affairs, at kasamang abogadang si Norhaya Ali Lago ng kanilang Office of the Legal Counsel.
Ayon sa mga officials ng MSU-Maguindanao, malaki ang naging ambag ni Pangandaman, noong siya ay isa pang national cabinet secretary, sa infrastructure development ng kanilang campus, kabilang ang pagkakatatag ng isang infirmary, o pagamutan, na naitayo sa tulong ng DBM bilang bahagi ng DOH Health Facilities Enhancement Program ng pamahalaan.
Tampok sa mga magkatuwang na mga aktibidad nitong Lunes nila Pangandaman, ng mga officials at mga administration and technical employees ng MSU-Maguindanao at mga estudyante ang pagpapasinaya sa mga gusali sa kanilang campus na naitayo sa kanyang tulong noong DBM secretary pa siya — ang forestry and environment science building, nagkakahalaga ng P66 million, College of Fisheries building, P66 million, College of Public Affairs and Governance building, P66 million, at Institute of Management and Academic building, P44 million.
Ang paglagda nila Pangandaman at Limbona sa public service cooperation MOU nitong Lunes ay isa sa mga highlights ng paggunita ng 53 founding anniversary ng MSU-Maguindanao, may temang “From Roots to Reach: 53 Years of MSU-Maguindanao.”
Mismong si Limbona ang nanguna sa programang kaugnay ng celebration nitong Lunes ng 53th fouding anniversary ng MSU-Maguindanao kung saan guest of honor si Pangandaman.
Makikita sa larawan ang mga officials na lumagda sa MOU na magpapatibay sa development cooperation partnership ng Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines at ng administration ng MSU-Maguindanao. []
