Isang 31-anyos na lalaki ang agad na nakulong matapos magbenta ng P81,600 na halaga ng shabu sa mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency-9 sa Barangay Tumaga sa Zamboanga City nitong Huwebes, September 18, 2025.
Sa ulat nitong Biyernes ni Bryan Babang, director ng PDEA-9, ang entrapment operation sa Barangay Tumaga na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspect ay naikasa sa tulong ng Police Regional Office-9, sa pamumuno ni Brig. Gen. Eleazar Matta, at ng Zamboanga City local government unit.
Agad na na-detine ang suspect matapos magbenta ng 12 gramo ng shabu sa mga PDEA-9 agents sa isang lugar sa Barangay Tumaga, ayon kay Babang.
Ayon kay Babang, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nalambat na suspect na nakakulong na. (September 19, 2025, Zamboanga City, Region 9)
