Sugatan ang anak ng isang barangay chairman sa Lamitan City ng ratratin ng M16 assault rifles ng mga lalaking sakay ng motorsiklo ang kanilang panaderya sa Barangay Parang Basak sa naturang lungsod nitong umaga ng Sabado, October 18.
Sa inisyal na ulat ng Basilan Provincial Police Office kay Brig. Gen. Jaysen De Guzman, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, nakaupo sa labas ng kanilang panaderya sa Barangay Parangbasak sa Lamitan City si Alcarem Ballaho Muddalan, 30-anyos, ng paputukan ng assault rifles ng mga lalaking sakay ng mga motorsiklo na agad ding nakatakas.
Nagtamo ng tama ng sa kanang braso ang biktima na isang barangay councilor sa Parangbasak.
Ang ama ni Muddalan, ang 68-anyos na si Juddihal Iralan Muddalan, barangay chairman ng Parangbasak, ay nakaligtas sa naturang pamamaril. Siya ay kilala sa kanyang masigasig na pag-suporta, bilang barangay chairman, sa mga law-enforcement activities ng mga tropa ng Lamitan City police sa lahat ng lugar sa barangay na kanyang pinamumunuan bilang barangay chairman.
Ayon kay Lt. Colonel Elmer Solon, hepe ng Lamitan City Police Station, nagtutulungan ang mga residente ng Parangbasak sa pagkilala sa mga bumaril sa kanilang mag-amang barangay councilor at chairman upang agad na masampahan ng kaukulang mga kaso. (October 18, 2025, Lamitan City, Basilan Province)
