Paaralan sa Tampakan, South Cotabato, nagka-solar power system libre

KORONADAL CITY (July 17, 2026) Isang paaralan sa liblib na pook sa bayan ng Tampakan, South Cotabato and tumanggap ng ayudang solar power system mula sa isang pribadong kumpanya na, sa mga mag-aaral sa apat na mga bayan sa Mindanao, walang patid ang pag-ayuda.

Sa pahayag ng mga Blaan tribal leaders at mga municipal officials nitong Miyerkules, July 15, mismong mga kawani ng Sagittarius Mines Incorporated, o SMI, ang naghatid ng hybrid solar power supply facility sa Tokaymal Elementary School sa Barangay Tablu sa Tampakan nito lang nakalipas na linggo.

Sa ulat ng mga barangay officials, maraming mga kindergarten at Grade 6 pupils ang makikinabang sa solar power system na ipinagkaloob ng SMI sa Tokaymal Elementary School.

Nagpasalamat, sa mga hiwalay na pahayag nitong Miyerkules, ang mga barangay officials at mga magulang ng mga mag-aaral sa naturang paaralan at ang kanilang school head, si Archie Labado, sa proyektong solar power system ng SMI.

Ayon sa mga magulang ng mga mag-aaral sa Tokaymal Elementary School at kay School Head Labado, ang kawalan ng kuryente ang dahilan kung bakit sa mahabang panahon ay walang nagagamit ang mga mag-aaral sa kanilang paaralan na mga modernong mga learning devices at internet para maging mas malawak, masigasig at mas mabilis ang kanilang educational development.

Ang SMI, sa loob ng mahigit isang dekada na, ay may walang patid na mga education support programs sa mga bayan ng Tampakan sa South Cotabato, sa Columbio sa Sultan Kudarat, sa Malungon sa Sarangani na lahat nasa Region 12, at sa Kiblawan sa Davao del Sur na sakop ng Region 11.

Makikita sa larawan ang mga mag-aaral at mga guro sa Tokaymal Elementary School kaugnay ng paglunsad ng proyektong electrification ng naturang paaralan na labis na ikinasaya nila at ng mga community leaders at local executives sa bayan ng Tampakan. [][]