Mga taga Tampakan, natuto ng kaalamang pagkakakitaan

KORONADAL CITY (September 19, 2025) —Isang malaking grupo ng mga kababaihan sa Barangay Liberty sa Tampakan, South Cotabato ang sinanay ng mga guro na bihasa sa pag-recycle ng mga inaakalang mga basura na ngunit maari pang pagkakakitaan kung nagawang mga bagong kagamitan, dekorasyon o iba’t-ibang mga gamit na kapaki-pakinabang.

Iniulat nitong Biyernes, September 19, 2025, ng mga barangay officials sa Liberty na nagtulungan ang mga gurong sina Mary Ann Posas at Hazel Clarrise Tagas ng Tampakan District ng South Cotabato Schools Division ng Department of Education-12 at ang Sagittarius Mines Incorporated sa pagsagawa nito lang Lunes ng naturang workshop.

Sina Posas at Tagas ay mga bihasa sa Alternative Learning Systems, o mga kaalaman kung paano maging produktibo, katulad ng pagproseso ng ibat-ibang mga produktong may commercial value gamit ang mga recyclable materials.

Abot ng 30 na mga kababaihang residente ng Barangay Liberty and lumahok sa naturang skills orientation activity, ayon sa mga municipal officials at mga community leaders na sumusuporta sa mga community-empowerment programs ng Sagittarius Mines Incorporated, o SMI.

Sila ay natutong gumawa ng mga bayong at mga bags gamit mga plastic materials sa kanilang Alter3rwnative Learning Systems workshop nito lang Lunes, September 15, 2025.

Ang pribadong kumpanyang SMI ay may extensibong education, socio-economic, health at environment-protection programs sa Tampakan at sa tatlo pang mga bayan, ang Columbio sa Sultan Kudarat, ang Malungon sa Sarangani, at ang Kiblawan sa Davao del Sur.

Ayon kay Ofelia Jabay, isang barangay kagawad sa Liberty, maliban sa kikita na mula sa mga recyclable wastes ang mga kababaihan sa kanilang barangay, makakatulong pa sila sa pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran at pagprotekta ng kalikasan bilang positibong bunga ng kanilang waste recycling skills.

“Malaki ang aming pasasalamat sa Sagittarius Mines Incorporated sa pagbibigay ng pagkakataon sa aming mga kababaihan na matuto ng mga ganitong bagong kakayahan,” pahayag ni Jabay.