COTABATO CITY (July 21, 2026) — Nagkasundo sina Bangsamoro Chief Minister Abdulraof Macacua, ang limang governors na saklaw ng kanyang administrasyon, at ang kongresista ng Maguindanao del Sur na palawigin ang kanilang kooperasyon sa pagpapaunlad at pagpapalaganap ng kapayapaan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Nagpulong nitong Lunes, July 20, sa Cotabato City, sina Bangsamoro Chief Minister Macacua, ang limang governors sa autonomous region na sina Mujiv Hataman ng Basilan, Ysmael Sali ng Tawi-Tawi, Mamintal Adiong, Jr. ng Lanao del Sur, Tucao Mastura ng Maguindanao del Norte at Ali Midtimbang ng Maguindanao del Sur at ang congressional representative ng kanilang probinsya, si Rep. Esmael Mangudadatu, kung saan nagkasundo silang magtulungan sa mga peacebuilding at community-empowerment programs sa lahat ng lugar na sakop ng Bangsamoro government.
Ang naturang dayalogo, para sa ikabubuti ng kanilang governance partnership, ay isinagawa sa Cotabato City, ang regional capital ng BARMM, sa presensya ni Bangsamoro Local Government Minister Jordan Bayam.
Si Hataman ay naging regional governor ng nabuwag ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, napalitan ng BARMM noong 2019 kaugnay ng peace agreement ng Moro Islamic Liberation Front at ng national government.
Si Congressman Mangudadatu, naging three-term governor ng dating undivided Maguindanao, at si Hataman ay parehong popular sa pagsuporta sa Mindanao peace process ng Malacañang, kaugnay ng mga hiwalay na mga peace compacts nito sa MILF at sa Moro National Liberation Front.
Si Adiong ay aktibo din sa mga programang nagsusulong ng cultural at religious solidarity ng mga Muslim, Christian at non-Moro indigenous communities sa kanilang probinsya. Supporter din si Adiong ng mga magkatuwang na mga peacebuilding initiatives ng Malacañang, ng MILF at MNLF, na may mga hiwalay na peace agreements sa national government.
Ayon kay Hataman, mahalaga ang pagtutulungan ng liderato ng Bangsamoro regional government, ng 80-seat Bangsamoro parliament, ng local government units sa autonomous region at ng mga administrasyon nilang limang mga governors at ng mga congressional representatives sa kani-kanilang mga probinsya sa pagpapalaganap ng peace and sustainable development ng mga Muslim, Christian at indigenous communities sa buong BARMM.
Si Local Government Minister Bayam, naitalaga sa kanyang kasalukuyang pwesto ilang buwan pa lang ang nakakalipas, at si Chief Minister Macacua ay magkatuwang sa mga peacebuilding activities ng Bangsamoro regional government.
Makikita sa larawan ang limang governors, si Bangsamoro Chief Minister Macacua, si Local Government Minister Bayam at si Congressman Mangudadatu matapos ang kanilang conference sa Cotabato City nitong Lunes, July 20.
