Tadtad ng tama ng bala ang sasakyan at bahay sa Sitio Labo, Barangay Tugal sa Kadayangan sa Bangsamoro Special Geographic Area ng retired na enlisted Army member na si Solaiman Sumlay, 56-anyos, ng pagbabarilin ng mga armado nitong gabi ng Huwebes, October 16.
Ang Kadayangan ay isa sa walong mga bagong tatag na mga bayan na sakop ng Bangsamoro region, ngunit nasa Special Geographic Area nito sa probinsya ng Cotabato sa Region 12.
Sa inisyal na ulat ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region at ng Cotabato Provincial Police Office, naghahapunan sina Sumlay at kanyang mga kapamilya ng pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan ang kanilang tahanan.
Wala naming nasaktan sa insidente ngunit nagsanhi ng panic sa mga residente ng Sitio Labo sa Barangay Tugal ang mga putok na umalingawngaw sa kapaligiran.
Mabilis na nakatakas ang mga salarin, ayon sa mga barangay officials sa Tugal. (October 18, 2025, Special Geographic Area, Bangsamoro Region)
