COTABATO CITY (October 18, 2025) — Higit sa 50 na mga residente ng Barangay Rosary Heights 13 sa Cotabato City ang nabigyan kamakalawa ng ayudang bigas mula sa tanggapan ng isang member of parliament (MP) sa Bangsamoro region.
Ang Cotabato City ang siyang kabisera ng Bangsamoro region.
Sa tala ng mga kasapi ng humanitarian action team ng tanggapan ni Member of Parliament Naguib Sinarimbo, 583 bags na ng bigas ang kanilang naipamahagi sa mga residente ng 12 barangays sa Cotabato City sa kanilang mga panibagong mga serye ng community service missions sa lungsod nitong nakalipas na mga araw.
Mga Muslim, Christian at indigenous Teduray communities ng nakinabang sa naturang mga rice distribution activities ng tanggapan ni MP Sinarimbo.
Si MP Sinarimbo, isang abugadong unang nanungkulan bilang local government minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ay itinalagang miyembro ng 80-seat BARMM parliament ni President Ferdinand Marcos, Jr. nitong March 2025.
Hindi bababa sa 5,000 na na mga residente ng Cotabato City ang mga naka-benepisyo sa mga serye ng iba’t-ibang mga public service activities ng humanitarian action team ng tanggapan ni MP Sinarimbo mula ng siya ay itinalagang member of BARMM parliament ni President Marcos, Jr. anim na buwan na ang nakakalipas.
Si MP Sinarimbo ang chairman ng Cotabato City chapter ng Serbisyong Inklusibo, Alyansang Progresibo Party, o SIAP, na siyang pioneer, o pinakaunang rehistradong regional political party sa autonomous region na may hindi bababa sa 600,000 na mga dokumentadong miyembro at supporters sa limang probinsya at tatlong mga lungsod nito at sa Special Geographic Area sa probinsya ng Cotabato sa Region 12.
Ang Special Geographic Area sa Cotabato province ay may 63 Moro barangays na nakagrupo na sa walong mga bagong tatag na mga municipalities na sakop ng BARMM government.
