BARMM parliament spokesperson, BEDC member na

COTABATO CITY (January 4, 2025) — Marami ang nagalak sa paghirang sa entrepreneur-lawyer na si Jet Lim na miyembro na, spokesperson pa ng 80-seat parliament ng Bangsamoro region, bilang kasapi ng inter-agency, multi-sector Bangsamoro Economic Development Council, o BEDC, na pinamumunuan ng chief minister ng autonomous region, si Abdulrauf Macacua.

Siya ay na-induct bilang miyembro ng BEDC mismo ni Bangsamoro Chief Minister Macacua nito lang nakalipas na buwan, ayon sa ulat nitong Sabado, January 3, ng mga regional officials at mga kasama ni Member of Parliament Lim sa regional lawmaking body ng autonomous region.

Ayon sa kanyang mga kapwa mambabatas at mga officials ng mga business groups sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, malaking pakinabang para sa BEDC ang pagka-miyembro nito ni Member of Parliament Lim, taga Taw-Tawi, dahil isa siyang kilalang negosyanteng naka-base sa Mindanao.

Kabilang sa mga nagpahayag ng kagalakan sa pagiging miyembro ni Parliament Member Lim sa BEDC ay ang mga officials ng Bangsamoro Business Council, o BBC, mga kasapi ng Chinese business community sa Cotabato City na kabisera ng BARMM at mga kawani ng mga provincial offices ng trade and industry at agriculture and fisheries ministries ng autonomous regional government.

Ayon sa entrepreneur-lawyer na si Ronald Hallid Torres, chairman ng influential na BBC na may mga miyembro sa limang mga probinsya at tatlong lungsod ng BARMM, isang karangalan ang magkaroon ng isang miyembro sa BEDC na may kaalaman hinggil sa commerce and trade.

Si Torres ang kasalukuyang president ng multi-sector Regional Advisory Group ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region.

Ayon kay Torres at mga kasapi ng Chinese business community sa Cotabato City, malaking bagay para sa kanila na isang kapwa negosyante ang napasama sa BEDC at spokesperson pa ng BARMM parliament na alam nilang kanilang magiging matibay na tulay sa mga regional lawmakers at ibat-ibang ahensiya ng BARMM.

Makikita sa larawan si Lim at ang pinaka-figurehead ng BARMM government, si Macacua, na siyang nag-administer ng oath of membership kaugnay na kanyang pagkakahirang na member ng BEDC, dagdag na tungkulin maliban sa kanyang pagka-regional lawmaker at spokesperson ng Bangsamoro parliament.