Bigas para sa mga ulilang bata, ayudang kusa

COTABATO CITY (November 4, 2025) Tumanggap nitong Lunes, November 3, ng ayudang bigas para sa mga “yateem,” o mga batang lubos ng ulila, wala ng mga nanay at tatay, na nasa Markadz Abbdulrahman Al-Sulaytien, isang orphanage at simpleng paaralan sa Barangay Poblacion 8 sa Cotabato City na siyang kabisera ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ang ayuda ay mula sa tanggapan ng isang abogado sa 80-seat Bangsamoro parliament, si Naguib Sinarimbo, na naging minister ng Ministry of the Interior and Local Government-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao bago naitalagang regional lawmaker, o kasapi ng BARMM parliament, ni President Ferdinand Marcos, Jr. nitong nakalipas lang na March 2025.

Mismong ang humanitarian outreach team ng tanggapan ni Member of Parliament Sinarimbo ang naghatid ng ayudang bigas para sa mga ulila ng mga bata sa institusyong kanilang tinitirahan na ang mga kawani ang mismong nag-aalaga sa kanila.

Namigay din sila ng bigas, bilang bahagi pa rin ng kanilang relief mission nitong Lunes, sa mga food vendors sa paligid ng Kimpo Elementary School sa Barangay Rosary Heights 13, Cotabato City.

Kabilang sa mga binigyan ng bigas ng humanitariam team ng tanggapan ni Member of Parliament Sinarimbo ang mga guro ng Kimpo Elementary School na namamahagi ng pagkain sa mga mag-aaral na mula sa mga mahirap na pamilya.