COTABATO CITY (October 23, 2025) —- Isang batang lalaking 14-anyos, taga Cotabato City ang nasawi ng masapol ng isang itim na Toyota Hilux pick-up truck sa Sinsuat Avenue, sa unahang bahagi ng People’s Palace kung patungong Barangay Tamontaka sa lungsod, at malubha naman ang kanyang kasama sanhi ng insidente nitong Miyerkules.
Tumakas ang driver ng sasakyang iniwan sa gilid ng Sinsuat Avenue, may plakang DBS 9218, na pinaniniwalaang possibleng lasing ng kanyang mabundol ang dalawang bata.
Mismong mga kamag-anak ng nasawing batang lalaki at ng kanyang kasaman agaw-buhay sa hospital at mga opisyal ng Cotabato City Police Office ang nagkumpirma ng insidente.
Naganap ang pagkabundol ng Toyota Hilux pick-up truck hindi kalayuan sa Cotabato Regional Medical Center at sa Notre Dame Hospital na maari sanang pagdalhan ng mga bata mismo ng driver ng sasakyang iniwan lang silang nakahandusay sa highway.
Inataasan na ng director ng Cotabato City Police Office, si Col. Jibin Bongcayao ang kanyang mga subordinate-officers sa Cotabato City Police Precinct 2 na resolbahin ang insidente, makipag-ugnayan sa pamilya ng mga hit-and-run victims upang magkatuwang nilang magawan ng legal action ang pangyayari.
Makikita sa larawan ang abandonadong sasakyan na nakabundol ng dalawang mga menor-de-edad, isa sa kanila nasawi sa insidente.
