P4.6 million shabu, nasamsam sa Tagum City

Isang 41-anyos na lalaki ang nakunan ng P4.6 million na halaga ng shabu ng mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isang entrapment operation sa Tagum City, Davao del Norte nitong Huwebes, September 18, 2025.

Sa isang official report nitong Biyernes ng regional office ng Philippine Drug Enforcement Agency-11, hindi na pumalag pa ang suspect ng arestuhin ng mga anti-narcotics agents na kanyang nabentahan ng shabu sa isang lugar sa Purok 1 sa Barangay Canocotan sa Tagum City, kabisera ng Davao del Norte

Ayon sa PDEA-11, ang suspect ay nakumpiskahan sa naturang entrapment operation, suportado ng mga units ng Police Regional Office-11, ng 510 gramo ng shabu na abot sa P4.6 million ang halaga.

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 and nakakulong ng suspect, ayon sa PDEA-11. (September 19, 2025, Tagum City, Region 11)