COTABATO CITY (March 3, 2026) — Naghatid nitong Lunes, March 2, ang public service team ng tanggapan ng isang miyembro ng Bangsamoro parliament ng mga gamot para sa iba’t-ibang karamdaman sa local government unit ng bagong tatag na Kapalawan municipality sa Bangsamoro Special Geographic Area (SGA) sa probinsya ng Cotabato.
Mismong si Kapalawan Vice Mayor Serafin Maguid ang nag-ulat nitong Martes ng kanilang pagkakatanggap ng naturang medical supplies mula sa public service team ng tanggapan ni physician-ophthalmologist Kadil Sinolinding, Jr., na siya ring kasalukuyang minister ng Ministry of Health-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Saksi sa turnover ng naturang mga gamot sa LGU ng Kapalawan ang mga kawani ng municipal health office ng naturang bayan.
Laan ang naturang mga gamot para sa iba’t-ibang mga karamdaman ng mga mahirap na mga residente ng Kapalawan, isa sa walong bagong tatag na Bangsamoro municipalities sa Bangsamoro SGA na sakop ng BARMM government, ngunit nasa teritoryo ng Cotabato province sa Region 12.
Ang mga humanitarian missions ng tanggapan ni Sinolinding sa 80-seat parliament at ng kanyang pinamumunuan na MOH-BARMM at suportado ni Bangsamoro Chief Minister Abdulrauf Macacua.
Maliban sa pag-supply ng mga gamot sa mga LGUs ng walong BARMM municipalities sa SGA, namimigay din sina Sinolinding at Macacua ng bigas, gatas at mga health supplements para sa mga buntis at mga malnourished na mga bata, o mga hindi malusog dahil sa kakulangan ng sapat na nutrisyon, na nakatira sa mga barangay sa naturang mga lugar. []
