COTABATO CITY (January 14, 2026) — Isang grupo ng mga barangay chairpersons sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte and nagsuko ng 11 na mga baril sa kanilang municipal officials at pulisya nitong Martes, January 13, na ikinagalak ng mga tumutulong sa paghikayat ng mga investors mula sa labas na magtatag mga negosyo sa lugar.
Mismong si Brig. Gen. Jaysen De Guzman, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang nag-ulat nitong Miyerkules ng pag-turn over ng 10 na mga barangay chairmen ng naturang mga baril, ngayon nasa kustodiya na ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station.
Ang mga isinukong mga armas ay kinabibilangan ng mga long-range bolt action sniper rifles, mga 9 millimeter machine pistols, mga .38 caliber revolvers at mga 40 millimeter grenade projectiles.
Ayon kay De Guzman, isinuko ng mga barangay officials ang naturang mga armas bilang suporta sa peace and security efforts ng kanilang mayor, si Abdulmain Abas, at Vice Mayor Bobsteel Sinsuat, at ng Datu Odin Sinsuat MPS, kasalukuyang pinamumunuan ni Lt. Col. Esmael Madin.
Apat na buwan ng walang insidente ng pamamaril sa mga barangay na sakop ng Datu Odin Sinsuat, na ayon kay De Guzman at sa mga officials ng 6th Infantry Division ng Philippine Army ay resulta ng masigasig na multi-sector law-enforcement cooperation ng mga residente ng bayan, sa pangunguna ni Abas at Sinsuat, nahalal sa pwesto, bilang running mates, nito lang May 12, 2025 elections.
Ayon sa lawyer-entrepreneur na si Ronald Hallid Dimacisil Torres, chairman ng Bangsamoro Business Council, malaking bagay para investment climate ng Datu Odin Sinsuat ang patuloy na pagbuti ng peace and order sa bayan na malapit lang sa kabisera ng Bangsamoro region, ang Cotabato City.
Ayon kay Torres, ang katahimikan at kawalan ng mga heinous crime incidents ang siyang malakas na “magnet” na hahatak papuntang Datu Odin Sinsuat ng mga investors na maaaring magtatag ng mga negosyo sa mga barangays na sakop nito.
Ang Cotabato Airport at ang kampo ng 6th ID ay nasa Barangay Awang sa Datu Odin Sinsuat, walong kilometro lang ang layo mula sa regional capitol ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Cotabato City. (January 14, 2026)
