52 mga sakitin, payat na Moro kids, may ayudang bigas

COTABATO CITY (November 6, 2025) — Karagdagang 52 pa na mga batang malnourished ang nabigyan ang mga magulang ng bigas bilang food aid sa layuning maging malusog at normal sila sa mga hiwalay na humanitarian missions nitong Martes, November 4, 2025, ng tanggapan ng isang physician-ophthalmologist sa Bangsamoro regional parliament at ng kanilang chief minister na si Abdulrauf Macacua.

Sa ulat nitong nitong Miyerkules, November 5, ng humanitarian team ng tanggapan ni Member of Parliament Kadil Sinolinding, Jr., na kasalukuyang minister din ng Ministry of Health-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, matagumpay na naisagawa, sa tulong ng mga Moro community leaders, ang hiwalay na relief operations sa mga bayan ng Tugunan at Pahamuddin sa Bangsamoro Special Geograpic Area sa probinsya ng Cotabato.

Ayon kay Tugunan Mayor Abdullah Abas, tumanggap ng tig-25 kilong bigas ang magulang ng 28 na mga malnourished na bata sa kanilang bayan sa magkatuwang na relief mission ng mga tanggapan nila Sinolinding at ni Macacua.

Abot naman ng 24 na mga malnourished na mga bata sa Pahamuddin ang nabigyan ang mga magulang ng tig-25 kilong bigas bilang ayuda sa kanila, ayon sa barangay officials ng naturang bayan.

Ang Tugunan at Pahamudin ay dalawa sa walong mga na mga bayan sa Special Geographic Area ng Bangsamoro region na itinatag ng regional parliament nito lang nakalipas na taon. Ang naturang walong mga bayan ay sakop ng Bangsamoro government, ngunit nasa teritoryo ng Cotabato province sa Region 12.

Ayon kay Mayor Abas, malaking tulong sa pagpapalusog ng mga malnourished na mga bata ang patuloy na mga relief missions ng humanitarian team ng tanggapan ni Member of Parliament Sinolinding na nagsasagawa din ng libreng medical services sa mga mahirap na mga residente ng Special Geographic na may mga karamdaman.