480 cherry blossoms itinanim sa Ampatuan, Maguindanao del Sur

COTABATO CITY (September 20, 2025) —- Nagtulungan ang mga residente, ilan sa kanila mga estudyante, community leaders at mga sundalo sa pagtanim ng 480 cherry blossom tree seedlings sa Salman, Saniag, Kauran at Kamasi sa bayan ng Ampatuan sa Maguindanao del Sur nitong Martes, September 16.

Sa ulat ng mga municipal officials at mga traditional Moro leaders nitong Sabado, September 20, katuwang ng 601st Infantry Brigade ng 6th Infantry Division sa naturang tree planting activity ang mga estudyante ng mga paaralan sa Ampatuan, mga residente ng Salman, Saniag, Kauran at Kamasi at ang kanilang local government unit.

Nagpasalamat nitong Sabado ang commander ng 6th ID, si Major Gen. Donald Gumiran, sa mga sumuporta sa naturang tree-planting activity, inorganisa ng 601st Infantry Brigade na pinamumunuan ni Brig. Gen. Edgar Catu.

Abot sa 480 cherry blossom seedlings ang naitanim, “bayanihan-style,” sa naturang tree-planting activity, ayon sa mga local executives sa Ampatuan.

Ang tree-planting activity ay naglalayong mapagbuklod ang mga residente ng Ampatuan sa mga aktibidad kaugnay ng pangangalaga ng kalikasan.

Ayon kina Gumiran at Catu, sinuportahan din ng mayor ng Ampatuan, si Rasul Sangki, ang tree-planting activity.